Sunday, July 29, 2007

University of the Philippines





by Larry Alcala



This picture reminds me of my college days. Naalaala ko pa 'nung gustong gusto kong mag collaege sa UP, araw-araw akong dumadaan sa bilog na simbahan (UP Diliman) at nagdadasal na sana makapag-aral ako sa eskwelahang ito. Dininig naman ng Diyos ang aking dasal, naawa siguro dahil madalas ay dalawang beses sa isang araw ako dumaan sa simbahan.


Bago makapasok, pahirapan sa pag-enroll. Pila dito, pila doon. Minsan di mo alam kung anong pinipilahan mo. Sa pila pa lang marami ka nag bagong terminologies na matutunan tulad ng 'Pre-req", "Prerog", at kung ano ano pa.


Unang araw ng klase noon, mapalad akong naka-enlist sa "Communication I", 'langhiya lahat ng kaklase ko english magsalita. Ako tameme sa isang sulok, galing kasi akong probinsya kung saan ang english ay sa textbook lang ginagamit. Sana pala "Kumunikasyon I" na lang ako nag enlist para tagalog ang medium ng pagtuturo.

Lantern parade ang madalas na hinihintay ng lahat. Madalas kasi ng walang announcement kung kailan ang umpisa ng Christmas vacation, ang palatandaan lang ng lahat ay ang parada. Pagakatapos ng parada, siguradong wala nang pasok.

Under Construction

This site is still under construction. I plan to post some pictures on this site but I am still trying to save some money so I can buy my camera.