Tuesday, August 21, 2007

Pambihirang UV Filter


Mag dadalawang linggo ko nang kinakabisa kung paano gamitin itong camera ko. Araw-araw pag uwi ko sa bahay camera kaagad ang hinahanap. Nagagalit na nga si Olive dahil puro camera na lang daw inaatupag ko.


Sa mga nakalipas na araw takang taka ako dahil lahat ng kuha ko e medyo madilim. Pag nilagyan naman ng Flash e nagiging flat at walang kabuhay buhay yung mga pictures. Napansin na pala ni Olive ito pero di nya sinasabi sa akin dahil baka mawalan ako ng gana sa paggamit ng camera.


Sinasabi ko pa na baka dahil sa lens (kasi pinaka murang lens ang nakalagay sa camera, salamat pa rin kay Roger at binigay nya sa akin ito ng libre). Kasalanan pala ito ng UV filter na nakalagay sa harapan ng lens. Salamat kay Bingko at sya ang nakapansin dito, kaagad nyang tinanggal ang filter at sinubukan muling gamitin ang camera. Hayun sa wakas e mas maliwanag at gumanda ang kuha. Syempre mas maganda ang kuha nya kumpara sa mga shots ko. Di bale, matututunan ko rin ang techniques kung paano gumamit ng tama. Sa ngayon nanginginig pa rin ang mga kamay ko kapag ako ang kumuha. Nagiging mukhang multo tuloy yung mga kinukuhana ko.



No comments: